Tabi Po: Isyu 1 (print)

June 12, 2014

Hello! Hello! Matagal ko na dapat itong in-announce dito pero naging sobrang busy ako simula noong magbukas ang taon at saka naisip ko kasing i-update itong website kaya tinamad akong lagyan ng bagong laman ito. Pero haaay! Mas tinamad ata akong i-update ang design ng site kaya heto may bagong content uli.

Matagal-tagal nang available ang TABI PO: ISYU 1 na nilimbag ng Visprint. Una itong naging available nitong nakaraang Summer Komikon 2014 (April 12, 2014). Nakakatuwa noong araw na iyon. Halos buong araw akong pumirma ng libro. Di man ako nakapagpahinga at nakakain, masaya naman ako kasi nakausap at nakasalamuha ko kayong mga giliw kong mambabasa pati na rin mga bagong mambabasa. Dumating din ang pamilya ko para sumuporta. 

Nung mga sumunod na linggo pagkatapos ma-release ang libro, nagkaroon ng sunod-sunod na mga reviews at mentions:
Comic Review: Tabi Po Isyu 1 by Mervin Malonzo
Take a walk on the wild side: Tabi Po
‘Tabi po’ gives birth to a bloody, morbid masterpiece

Book: Tabi Po
JESSICA ZAFRA | Our monsters are scarier than theirs

At sobrang laking tuwa ko kasi lahat ito ay positive na review. Mukhang tuloy na tuloy na ito at mukhang may silbi naman pala itong ginagawa ko. Pakiramdam ko ay may naiko-contribute ako sa industriya ng komiks ngayon at sa pagtanggap ng mga tao sa art ng komiks. 

Malayo-layo na rin ang narating ng komiks kong ito, mula sa webkomik hanggang ngayong may print na. Pero hindi pa ito tapos, marami pa tayong pagdadaanan hanggang matapos ang ating storya kaya abangan nyo ang mga susunod na kabanata! At oo nga pala, may MALAKING chance na mapunta pa ito sa ibang media (wink wink). Pero saka na iyon kapag may konkretong balita na. Hehe. 

      

 

Category: