Ihanda ang Gulok at Asin!

Ihanda ang gulok at asin! May proprotektahan na kami sa mga manananggal! 

Hehe. Andami-daming mga nangyayari sa buhay ko! Kakakasal ko lang at kakatapos lang ng kaarawan ko tapos ngayon heto! Magkaka-baby na kami! Matagal na rin naming gustong mangyari ito. Akala namin mahihirapan pa kami makabuo ni Princess pero heto na siya bigla! Ang saya lang! Yehey!