Di ako importante

September 12, 2013 | Thursday

Hehe! Syempre salamat din sa lahat ng friends at family ko na bumati. Unfair naman kung di ko sasabihing importante din ako sa inyo. Salamat sa mga pagbati at good luck sa inyong mga endeavors. Kumain nang mabuti at wag magda-drugs! 

Kung mapapansin nyo pala iba yung style ng illustrations ngayon kasi napansin ko na nauubos ang aking papel na dapat sana gagamitin ko sa drawings ng "TABI PO" komiks ko. So para di maubos, nagpasya ako na digital ko na lang gagawin yung drawings. Paminsan-minsan babalikan ko ang traditional way pero malamang mas palaging digital ang gagamitin ko sa mga susunod.

PS: dun sa pangalawang drawing, kaya gulat na gulat ang expression ko sa ringtone kasi ang ringtone ko kay princess ay horror na sound. Ito yung sound ng iyak ng Witch na zombie sa Left 4 Dead na game. 

Dahil dito sinasagot ko agad yung tawag para tumigil na yung sound. 

Lagi kong nakakalimutan na ganun yung ringtone ko kaya every time na tumatawag si princess, nagugulat ako sa takot. Pero effective rin kasi alam naman natin na nakasalalay sa mabilis na pagsagot sa tawag ng girlfriend ang pagiging mabuting boyfriend. 

New Doodles