Artsibo ng Kagila-gilalas

Kinontak ako ni Edgar Calabia Samar (manunulat ng Janus Silang series at iba pang mga aklat) para gumawa ng website na paglalagakan niya ng kanyang mga ideya, aklat, at gawain bilang isang manunulat , guro, at mambabasa. Tinatawag niya itong Artsibo ng Kagila-gilalas

Gumawa ako ng logo, illustrations at icons para sa website na ito. Ang pinagkunan ko ng inspirasyon ay ang hitsura ng mga lumang Pilipino Komiks na bagay na bagay naman sa personality ni Egay dahil kolektor siya ng mga ito at ang mga kagila-gilalas na nilalang na karaniwang tampok sa mga komiks noon ay kasama rin sa kanyang mga akda. Nagpasya rin ako na gumamit ng tatlong kulay lamang (itim, pula, at dilaw) dahil ang mga komiks noon ay limitado rin ang kulay para makatipid ng ink. At nagkataon namang pula at dilaw at mga kombinasyon nito lang din ang gustong gamiting kulay ni Egay dahil ito ang iconic na kulay ni Janus Silang. 

Inuna kong gawin ang logo:

Heto ang kinalabasan:

 

Heto naman ang icons na ginawa ko para i-represent ang sections sa website:

Bawat section naman ay may kasamang illustration.

Heto naman ang portrait ni Egay:

Pinagsama-sama ko lahat ng mga elements na ito para para magawa ang buong disenyong ito:

Heto naman ang isang innerpage:

Nag-enjoy ako sa paggawa nito. Medyo nahirapan ako nung una kung anong direksyon ang tutunguhin ko pero nung nahanap ko na, dire-diretso na. Nakatulong din na alam ni Egay ang gusto at hindi niya gustong gawin sa website. Bisitahin niyo na ang pahina sa www.ecsamar.com